Andi Eigenmann nagbigay inspirasyon sa netizens; ‘A simple life is a happy life’, ‘You are more than just a mom’ Sa Andi and Philmar Facebook page ay ibinahagi ng akltres na si Andi Eigenmann ang ilang mensahe para sa mga pamilya na labis na nagustuhan ng libo-libong online users na nakasubaybay sa kanila. “A simple life is a happy life,” paunang ibinahagi ni Andi nitong Pebrero 5 kalakip ang larawan nila nii Philmar Alipayo, ang kanyang fiance na ama nina Lilo at Koa, at ang panganay na si Ellie, na nakaupo sa harap ng iskaparate ng pagkain habang ine-enjoy nila ang mga binili. Pagpapatuloy niya, “Hindi kailangan ng marangyang buhay para mapalaki nang maayos ang mga anak. Ang simpleng buhay na may tamang pag-gabay at pagmamahal ay sapat na para maging mabuti silang mga tao.” Binanggit din niya ang tungkol sa mga bagay na materyal na kadalasang ibinibigay sa mga bata. Aniya, “Hindi naman kailangan ng mamahaling laruan at mga gadgets upang mapasaya sila. Sapat na ang pagbibigay...